곡 정보

Friend-SHIP

Mama

공유하기
Sa tuwing nagigising
Rinig ko ang dasal mo
Lagi ang pangarap ko
Ang nauna sayo

Pasensya ako’y bata pa
Nun at di ko nakita
Ang pinagdaanan mong
Mga laban

Ba’t
Kaya hindi ko naisip
Na nasa harap ko lang pala

Mama mama mama
Sayo ako sumasandal
Tuwing ako’y nawawala
Mama mama mama
Ikaw ang ilaw sa kadiliman ng buhay
Mama

Pano malalaman kung di ko pa naranasan
Araw gabing paghihirap na pinagdaanan
Walang hinto kayong lumaban
sa paglalakbay
Buong-puso kong gustong
sabihin na kayo'y mahal ko
Ako’y tumanda na
At nag-iisa
Miss na miss kita at alam kong mahirap to
Kailangan kong lumakas
para sa ating pangarap
Wag nang mag-alala
Papangitiin kita muli

Ang
Pagmamahal mong hindi biro
Damang dama ko na ngayon

Mama mama mama
Sayo ako sumasandal
Tuwing ako’y nawawala
Mama mama mama
Ikaw ang ilaw sa kadiliman ng buhay

My mama
My mama
My mama
Walang iba kundi
Mama mama mama

Mama mama mama
Sumandal ka nalang sa akin
Kapag ika’y nawawala
Mama mama mama
Nakarating na tayo sa bandang huli

My mama mama mama
Itong harana ko’y
Para lang sayo mama
Mama mama mama
Ang pagkanta na to ay para lang sa iyo
Mama